Lunes, Marso 14, 2016

PILGRIMS' WALK OF MERCY

               This would be my last entry as a requirement for our subject Online Journalism. Nakakatuwa kase yung idi-discuss ko ngayon ay masasabi kong isa sa pinaka memorable experience ko as a Youth Servant, so ito na. 

               The Diocesan Commission on Youth of Malolos organized an activity in participation of the Jubilee Year of Mercy it was held last Friday that went on until Saturday morning. I was so blessed to be one of the thousands of youth who made it to the said event. There were a lot of activities that made me realize the true meaning of God's mercy.

               Akala ko nung una ordinaryong seminar o church activity lang yung pupuntahan namin pero una palang na-caught na talaga nya yung attention ko parang ang exciting nng dating lalo na at familiar ako sa Year of Mercy at nakadagdag pa sa will ko na sumama ay yung fact na first time kami makaka attend ng ganoong kalaking event since dadaluhan sya ng mga kabataan mula sa iba't ibang parishes sa Diocese.

              Nagstart yung Walk of Mercy sa syempre lakaran, sobrang habang lakaran inabot yata kame ng 2 hours na paglalakad mula Plaridel hanggang Malolos Cathedral. Nakakapagod? Oo sobra, pero di ko na naramdaman yon pag nakikita ko yung mga kasama ko at yung iba pang mga youth na kasabay namin sa paglalakad at yung passion andun talaga isabay pa yung nasa isip kong wala pa yung sacrifice na yon kumpara sa ginawa ni Christ para satin. After nun nagkaroon ng segments of activities parang per station na pupuntahan namin iba-iba yung gagawin pero isa lang ang purpose ng lahat para maramdaman at maunawaan yung totoong meaning ng MERCY ni GOD. 

             Pagod, puyat, gutom, uhaw lahat yan naranasan ko ng sabay-sabay pero yung willingness at passion na matapos yung activity ay nandon kaya binalewala ko lahat kait inaantok nakinig at nag focus ako sa mass nagdasal kahit di nakaabot sa cut off ng kumpisalan at higit sa lahat nagpasalamat na nakapasok ako sa Jubilee Door of Mercy at don naramdaman ko kung gaano ako ka bless na may Diyos na hindi nagsasawang iparamdam yung Awa at Habag nya para satin. Kaya ngayong malapit na rin ang Holy Week sana mag laan tayo ng oras para makapag pasalamat sa abundant blessing na binibigay satin ng Diyos lalo na sa gift of Mercy.

                

Sabado, Marso 5, 2016

UNLI CALL

     Sobrang random ng topic na to para maging entry ng blog ko for this week. Pero syempre I hope makahugot ako ng malalim mula sa topic na to.

     Unli Call, sikat to ngayon e since may isang mobile network na nag ooffer ng UNLI CALL AT UNLI TEXT sa loob ng 3 days 20 pesos lang. San ka pa di ba? Edi syempre unahan yan para makaregister. 3 days ba naman unli chika no?

     Siguro sa loob ng 3 araw na yon madami na tayong makakausap na mga tao madami nang mga kwento ang maishe-share mo. Di lang siguro 1hr o 2hrs na chika kada tao ang pwede mong ilaan kahit buong araw pa pwedeng pwede UNLI nga e walang limit. Pero napaisip lang ako sa loob ba ng 24hrs natin ilang oras ba yung nilalaan natin para tumawag kay GOD?

     Sa totoo lang napapaisip talaga ko e kase ako mismo madalas gumamit ng UNLI CALL. Naiisip ko na Oo nga no, ilang oras kaya kong ilaan para makipag kwentuhan, makipagtext sa mga kaibigan ko pero pagdadasal ko yata pinaka matagal na yung 15mins kahit ang totoo si God pwede natin lapitan any time pwede tayong tumawag sakanya kahit di pa tayo nakaregister sa promo o di tayo gumamit ng load. Pwede tayo makipag usap sakanya at di sya mabobored kausapin tayo mas gusto nya nga yun e yung nagsasabi tayo sakanya ng mga problema kase di sya magdadalawang isip na tulungan tayo kase lagi syang kay oras para satin.

     Ikaw? Sa 3 days Unli Call mo, ilang minutes yung nakalaan para tawagan si Lord o naisipan mo manlang ba syang kausapin? Sana maalala natin na kahit anong oras at panahon may Lord tayo na pwedeng tawagan di pa nagriring ang phone sinagot ka na Nya..

Sabado, Pebrero 27, 2016

INTERNSHIP FEELS

          I learned a lot on my 2 months internship at TV Maria. I was exposed to a lot of productions and activities where I was able to gain knowledge that helped me enhance my abilities. I learned how to use various video editing softwares like Final Cut, Adobe Premiere and Sony Vegas. We also did some coverages of special events which were so remarkable to me. One of those was our coverage of the Translacion 2016, which I will consider as the most memorable. I was able to operate a camera on my own through the command of our switcher, I learned how to pan, tilt, pan and tilt at the same time. We also did a week long live broadcast of the IEC, and this is for me the biggest production I have ever been. I learned that I should always stay alert and be responsible of the things assigned to me and also I have to be flexible for some tasks might be given to me and I should always be ready. TV Maria made me experience more than what I expected and I will always be grateful for the knowledge that they contribute and for bringing out the best of my potential.

          I was amazed of how 8 people made it possible to run a TV Station. I observed that each one of them don't just perform specific role they're all around, and each employee was flexible when it comes to tasking. As an intern, I enjoyed my stay at TV Maria we were learning at the same time having fun. They were very professional especially when it comes to work, and I would always remember Mam Sharon telling us to always approach her if we have questions on the task given to us. They would always remind us to be act like professionals especially during productions. What I also admire in the station is the way they communicate with each other and the ambiance seemed very light and the employees were very approachable.

          I think they should hire more labor force to make some tasks easier and also I think it would be better if new programs will be produced and aired for specific target audience. I also think TV Maria needs more advertisements because I believe that its programs should reach more people not just Catholics for there are a lot of values that we can get from watching TV Maria's programs.

          Aside from the academical aspect, my internship experience made my faith in God grow deeper. Since TVM is a Catholic station we were exposed to activities, programs and productions that has something to do with the Catholic faith. It was indeed a blessing having the chance to work at TV Maria because I was able to SERVE and LEARN at the same time.

Sabado, Pebrero 20, 2016

MAY FOREVER?


     Pahabol na entry para sa Love Month, bare with me guys, love you all!
     

     Meron nga bang Forever? Isang tanong, sa totoo lang madaling sagutin e. Pero depende rin kung sino o kung anong hugot ng tatanungin mo.      

     May Forever ba? #WALANGFOREVER sikat na sagot ng mga BITTER daw sa buhay yung mga walang lovelife mga sawi sa pag-ibig yung mga taong may marinig lang na word jusme kasunod na yung napaka lalim ma hugot. Yung tipo ng mga taong parang sugat yung salitang FOREVER wag mo nang hawakan di pa hilom masakit pa Pero syempre hindi natin sila masisisi kung ganon ang pananaw nila sa buhay. Siguro may pinagdadaanan sila, o may malalim sobrang lalim na pinaghuhugutan pwedeng sobrang nasaktan o iniwan ng minamahal o kaya naman hanggang ngayon di pa napapansin ni crush May kanya kanyang feels din kase yan.     

     May Forever ba? #MAYFOREVER sabi ng mga taong naniniwala na may pag-ibig na walang hanggang. Yung mga may "lablayp" sila yung mga taong masasabi nating may inspirasyon para maniwala na meron ngang forever. O yung mga taong naniniwala na yung kasama nila ngayon o yung mga mahal nila e wagas yung love para sakanila.     
     Depende rin naman sa tao kung ano bang depinisyon nila ng forever at depende dun kung anong isasagot nila. Pero sa gabing to napatunayan ko na #MAYFOREVER talaga di man sa romantic na aspeto kundi sa katauhan ni Lord, may forever sakanya kase FOREVER nya tayong mamahalin, FOREVER na aalagaan, FOREVER na gagabayan, FOREVER na ibe-bless at kung ano pang FOREVER dyan na maisip mo HAHA Sabi nga sa isang talk na napakinggan ko; "There is forever when we surrender our lives to the author of forever, GOD." Ang sarap damahin na may nag-iisang Diyos na nagmamahal na satin ng wagas.     

     Iba-iba man ang perception natin sa Forever masasabi kong dadating yung araw na magtutugma din tayo lahat. Sa ngayon para sakin #MAYFOREVER talaga at yung love na iniintay natin ay darating din sa TAMANG PANAHON. Sa ngayon i enjoy muna natin yung love at yung happiness na dulot ng mga kaibigan, pamilya at syempre ni Lord.

Sabado, Pebrero 13, 2016

NOT ALONE ON VALENTINES DAY



     What are the things that pop into your mind when you hear the word Valentines or Valentine's day? I hope I made you wonder with that question. HAHA But srsly, we have that certain reaction when we hear or feel that Hearts day is coming. Probably kilig and excitement para sa mga may love life, some might at once scream their bitter lines makarinig lang ng word na related sa Valentines day, may ibang pwedeng dedma lang kunwari walang pakiramdam kase ordinaryong araw lang sakanila. Iba't ibang reaksyon depende kung kaynino natin nilalaan yung araw na yon.


     February 14 this year falls on a Sunday. I can hear sighs of disappointment HAHA Baket? Kase walang pasok di makikita si crush sa school o di makakagala kasama ang barkada, o kase boring nasa bahay ka lang at nakahilata? Well for me it's the other way around, Valentine's day on a Sunday? Grabe ang special.


     Balik tayo dun sa tanong ko kanina na anong pumapasok o naiisip natin pag naririnig natin yung Valentine's day siguro mainstream na sagot yung boyfriend o girlfriend, flowers, chocolates, love letters bakit kaya hindi natin itry na since Sunday ang Valentines day this year at take note 1st sunday of Lent ay magreflect tayo sa pinaka special na love na natanggap natin at patuloy sa ating pinaparamdam, yung love satin ni God.


     GOD'S LOVE. Two words pero kung iisipin natin sobrang lalim sobrang lawak ang daming meaning pero isang word para idescribe to UNCONDITIONAL. Yung tipo ng pagmamahal na kahit di mo maibalik andyan pa rin kahit di mo pinapansin at binibigyan ng worth hindi napapagod. Ito yung klase ng pag-ibig na buong buo sating binigay ni Lord.


     Perfect love kumbaga. Kaya grabe kung iisipin natin napaka bless, na tayo bilang tao kahit di tayo naglalaan lagi ng time para kay God nandyan sya palagi at tapat na nagmamahal satin. Kaya kung iniisip mong ngayong Valentine's wala manlang magbigay sayo ng bulaklak sana maalala mo si Lord na pati buhay nya binigay nya sayo kase ganun ka nya ka mahal at kung excited ka naman kase may date kayo ng boyfriend o girlfriend mo, sana maalala mo ring Sunday pala bukas at iniintay ka ni Lord at sana daw makasama ka din nya.


     Alam kong maraming klase ng pag-ibig ang nararanasan natin sa bawat taong nakakasama natin, iba't-iba rin ang paraan kung paano ito ipinapadama satin. Pero sana gaano man kadami ito ay huwag sanang matabunan at manatiling nangingibabaw ang pagmamahal satin ng Diyos na pinaramdam nya ng ipako sya sa Krus. Kaya kung nasaan man tayo sa araw ng mga puso alaahanin natin na may kasama tayo lagi at yun ay ang love ni Lord para satin. We are not Alone on Valentines Day.

Biyernes, Pebrero 5, 2016

IEC Hangover

            

             This entry is in line with the celebration of the 51st International Eucharistic Congress that was held in Cebu on January 24-31, 2015. This is indeed a remarkable event since it only happen every 4 years and the 1st time it was held here in the Philippines, 79 years ago in 1937.

             Honestly, I really have no idea about IEC except for the fact that it will be held in Cebu, but since I am having my internship at TV Maria I was introduced to what IEC really is and it gave me a deeper understanding of its purpose and the core topic of the congress; The EUCHARIST. 8 days nagtagal ang IEC, 8 days din na na puno ako ng mga lessons and realizations na nakapag pa deepen sa faith ko. Bawat araw may mga speakers na nagbigay ng mga talks ang mga topic nila ay related lahat sa pagapalalim sa pag unawa natin sa Eucharist (Eukaristiya). 

             Pero sa dinami dami ng mga topics na napakinggan ko pinaka naka touch sakin ay yung Catechesis ni His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle about The Eucharist and the Dialogue with Cultures pero yung pinaka pinaka nag hit sakin sa buong talk nya ay yung sinabi nya about ALIENATING INDIVIDUALISTIC CULTURE kung saan diniscuss nya kung paanong tayo bilang tao ay nagiging self-centered na minsan ay puro sarili nalang natin ang iniintindi natin at wala na tayong pakielam sa ating kapwa at dahil dito ay nagkakaroon ng wall sa pagitan natin at ng iba, na kabaligtaran ng itinuturo sa atin ng bible at ni Christ. Sinabi ni Cardinal Tagle na ang misa ay isang salu-salo na si Kristo ang nag orginize at lahat tayo ay welcome na dumalo kahit sino man tayo, walang pinipiling tao si Kristo, lahat ay inaanyayahan na tanggapin siya sa misa sa anyo ng Banal na Eukaristiya. 
  
                Nagtouch din ako sa part noong ikinwento nya yung tungkol sa Holy Thursday at naghugas siya ng paa ng mga parishioners sa Parokya nila sinabi niyang pinili niya ang isang batang babaeng may Polio na nagtitinda ng sampaguita sa labas ng simbahan natouch ako dahil sa noong oras na hinalikan nya ang paa ng batang babae ay nabuwag din ang mga pader na naghihiwalay dito sa society na dala ng kapansanan nito. 

                 Napaisip tuloy ako, na bilang isang Kristiyanong kabataan ako ba ay isa sa mga naapektuhan ng Alienating Individualistic Culture na nagiging dahilan kung bat may mga Katolikong mas napapalayo pa sa simbahan imbis na mapalapit dito o ako ba ay gumagawa ng paraan upang ang mga tulad ko teenager ngayon ay mas magkaroon pa ng deeper faith kay God. 

                  Nakakainspire ang mga narinig ko sa 51st International Eucharistic Congress ang dami kong narealize tungkol sa importance ng Eukaristiya sa atin at ang tunay na kahalagahan nito sa atin bilang mga Katoliko pero nawa ang mga nalaman ko doon ay di lamang manatili sa aking isip bagkus ay maishare ko pa at maka inspire din sa iba.

Biyernes, Enero 29, 2016

Viva Pit Señor!


Hi Guys! So here is my first entry of my exciting and unforgettable experiences as His servant. ;)

January 17, 2016 pinagdiwang ng Simbahang Katolika ang Kapistahan ng Niño Hesus siguro iisipin nyo e outdated na masyado kase ilang weeks na rin nung nangyare to. HAHA Pero pinili ko parin isulat kase sa totoo lang isa to sa mga festivals na inaabangan ko talaga.

Naging sobrang masaya at masigla ang celebration ng parish namin ng Sinulog. Nag attend ako ng 8am mass kung san nagserve ako as part ng choir, alam nyo ba yung feeling na naeexcite kahit weekly mo naman ginagawa yung task mo,  nung time na yun sobrang excited ako mag start yung mass, na marinig yung homily, yung kumanta para kay Lord. Weekly ko naman yun ginagawa pero sobrang iba yung feeling e sobrang buhay kase nung environment ang ganda nung altar color of the day pa nun ay RED so sobrang saya talaga nung ambiance at dahil narin  ang Niño Hesus ay simbolo ng pagiging masigla, makulay at masaya ng pananampalatayang Katoliko.

After mass ay nagkaroon kami ng parada, naalala ko pa na sabi ni Rev. Fr. Norman Baldoz (Parish Priest ng SJEdMP) na ang gagawin namin ay di basta prusisyon ng mga imahe, ito ay isang parada na dapat ay buhay at masigla para maramdaman ang kasiyahan ng pagdiriwang.

VIVA! VIVA! Viva Pit Señor! VIVA! VIVA! Viva Pit Señor! Kahit san yata ay naririnig ang chant na yan bilang pagbibigay papuri sa batang Hesus. Sabihin mang naiinitan habang naglalakad ay di ito mababatid sa mukha ng mga kapwa namin parishioner. Kanya kanyang gimik ang bawat SPPC palakasan at pasiglahan ang mga cheer sinamahan pa ng makukulay na costume.

Iba talaga ang sayang naidudulot pag sama-sama at nagkakaisa ang buong parokya. Bukod sa nakagawiang masigla at makulay na selebrasyon ng Sinulog nakita ko kung gaano mas importanteng sa sarili mismo nati'y magmula ang pagiging masigla at makulay ng ating pananampalataya may okasyon man o wala dahil dito makikita kung gaano talaga kayaman ito.

At tulad ng Niño Hesus na isa sa pinaka unang simbolo ng Kristiyanismo dito sa Pilipinas sikapin nating patatagin, panatilihing bata; buhay masigla, tapat, at gawin nating makulay at makabuluhan ang ating pagiging mga Katoliko.

 VIVA STO. NIñO! VIVA PIT SEñOR!